Home » Archives » January 2011
Closed book
January 28, 2011
Gimik!
January 7, 2011January 6, 2011, 2:53 am
hayz, feeling bagets naman ako nito. kilig-kiligan! hahaha.
nakakamiss naman talaga yung loveteam ni rico and juday. forever ricky-dianne talaga ko! Certified Gimik! fanatic. i miss the 90s era. namiss ko si rico yan, kase next to aga, sya lang yata naging celebrity crush ko. grabe, showbiz na showbiz dating ko nito. can’t help it eh. wala naman kaseng trabaho so google lng ng gogle and then i came across this website about papa rico and yun na nga, paguwi ng bahay, youtube agad ng gimik! eps and ng movie nila together. i can still remember the kilig feeling. kahit napanood ko na dati, nakakarelate pa din ako. parang elementary days or early hs pa lang yata ako that time. hay, sad lang talaga kase untimely yung death ni papa rico. kung hindi kaya nangyari yun ano na nga kaya sya ngayon? sino kaya nakatuluyan nya? wahh! feeling ko talaga close din ako kay papa rico, nakakahinayang. and feel ko rin na im part of the gimik! barkada kase nakikitawa ko, nakikiiyak and syempre kilig nung pinapanood ko yung mga scenes nila together. hay, kaya kung nasan ka man ngayon papa rico, i know naman na masaya ka and i hope kahit pano tulungan mo naman ako to find the one. hahaha. yun pala yun eh! but honestly talaga, feeling ko ngayon totoo pa din sila ricky and dianne. i love their love story. medyo pumangit na nga lang nung latter part kase kailangan iwan ni dianne yung show. pero i know solid fan pa din nila ko. i like their ‘pangga’ term of endearment. unique pa yun dati and hindi pa ginagamit ng isang radio station. ah basta i like all their episodes together. kung pwede nga lang i-bring back yung time bakit ba naman hindi. i so am affected. day dreaming activated!
Realization
December 30, 2010, 4:38 am
Now im realizing i had been wrong all along. ang tanga ko din para magpakatanga. hay… di bale, i still have plenty of time para bumawi. God is with me.





January 27, 2011, 3:09 am
siguro nga sometimes somehow i miss having company. yung pwede mong ayain kahit saan or any time. but then sanay naman na kong maging independent. walang pakialamanan sabi nga sa culture ng UP. kaya alam ko na kaya ng sarili ko. siguro yun din dahilan minsan kung bakit mahirap magopen up sa ibang nagtatangka. kase kaya ko naman eh. i have my will. and i know i have a strong will kaya nung tinanong nila ko, yun pa rin ang sagot ko at hindi magbabago yun. i know that for sure sa sarili ko. ganito na talaga ko eh. the right one should accept me for who i am. ang bottomline ng post na to? wala naman. im simply ok. steady lang. positive vibes! and oh, wala na sa ken lahat. napatawad na ba kita kahit walang apology? di ko masagot. basta kinakalimutan at kinalimutan ko na. closed book na ha.
Naaalala pa din kita. sabagay, naging malaking parte ka naman talaga ng buhay ko. that i should accept. nakamove on na nga ba talaga ko? can i really say na ok na ko? di ko alam. all i know is that i am stronger now. na somehow, im proud kase nakaya ko lahat ng pinagdaanan ko. kala ko dati hindi ko kakayanin na mawala ka sa buhay ko. akala ko noon hindi ko kaya kaya pinilit kong wag bumitaw. or kung in some instances bumitaw ako, alam ko kase non na madali lang bumalik. kaya tama lang na nagkaron ako ng malaking reason para tumigil na talaga at tanggaping hindi talaga tayo para sa isat isa. alam mo nakakapanghinayang pa din somehow. ayoko pa din syang i-analyze, intindihin o hanapin ang mga sagot sa napakarami kong tanong kase ayoko nang magulo pa ulit buhay ko. hindi ko sasabihing masayang masaya na ko sa buhay ko ngayon, pero tanggap ko lahat; mas at peace ako ngayon compared nung last years na magkasama tayo. basta ang alam ko lang ngayon, this is the will of God. i am where iam right now because this is my right place on earth at this very moment. na we were just not meant to be. yun lang ang simpleng dahilan kung bakit nagkahiwalay tayo. but i know and i firmly believe that one day i’ll find my match. sabi nila wala na daw perpektong tao ngayon. hindi naman kase perfect na tao hinahanap ko eh; yung right person lang for me. yung tutumbasan yung kung ano yung kaya ko. sabi pa nila di na daw uso yung mga tulad ko. hahaha. natatawa lang ako. kase i have faith in God na someday, one day ibibigay nya yung nararapat for me. alam ko yun. naniniwala ako dun. ewan ko ba. kase parang minamadali nila ko. when in fact, im still enjoying the new experience, the freedom, the moment with family, friends and myself. kase aminado naman ako na ive never experienced being single for the longest time kaya ngayon pa lang ang moment ko. pagbigyan na.